PANUNUMPA NG PROPESYONAL
Ako, si ____(Pangalan ng Propesyonal)____, ng ____(Pook na Sinilangan, Bayan/ Lungsod, Probinsya)_____ ay taimtim na nanunumpa na itataguyod ko at ipagtatanggol ang Saligang Batas ng Pilipinas, na ako ay tunay na mananalig at tatalima rito; na susundin ko ang mga batas, mga utos na legal, at mga atas na ipinahayag ng mga sadyang itinakdang may kapangyarihan ng Republika ng Pilipinas; at kusa kong babalikatin ang pananagutang ito, na walang ano mang pasubali o hangaring umiwas.
Taimtim pa rin akong manunumpa na sa lahat ng panahon at pook na kinaroroonan ay mahigpit akong manghahawakan sa mga etikal at tuntuning propesyonal ng mga _____(Propesyon)_____ sa Pilipinas, at marapat kong gagampanan ng buong husay sa abot ng aking makakaya ang mga tungkulin at pananagutang iniatang sa isang itinakdang _____(Propesyon)_____.
Kasihan Nawa ako ng Diyos.
____________________________
Lagda